CCF Sirang Lupa Home Fellowship — 2nd Year Anniversary | 2 Pedro 3:18
Inaasahan Niya tayong lumago — patuloy, dahan-dahan, totoo. Kung pakiramdam mo, dalawang taon pa lang ang fellowship at marami pang dapat ayusin — tama ka. Pero hindi iyon kabiguan. Iyon mismo ang sinasabi ng Salita ng Diyos na dapat asahan natin. Tayo ay nasa proseso.
Sa Biyaya AT Sa Pagkakilala — Dalawang Bagay na Hindi Mapaghihiwalay
Hindi lang sinabi ni Pedro na “lumago sa biyaya.” Idinagdag niya: “at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo.” Para sa atin sa Free Grace na pananaw: ang paglagong ito ay bunga ng biyaya, hindi kondisyon para tanggapin ang biyaya. Hindi tayo lumalago para maligtas. Lumalago tayo dahil tayo’y naligtas na, ligtas na, at panatag na sa Kanya.
“Hindi tayo lumalago para patunayan nasa Dios tayo. Lumalago tayo dahil tayo nasa Dios na.”
Babala: Bantayan ang Pagkalihis
Ang aklat ng 2 Pedro ay puno ng babala laban sa mga maling guro. Sa gitna ng ganitong panganib, ang sagot ni Pedro ay hindi takot, kundi: lumago sa biyaya at sa kaalaman. Sapagkat ang taong lumalago sa tunay na kaalaman tungkol kay Cristo ay hindi madaling malihis.
Pagpapatibay: Ang Layunin ay ang Kanyang Kaluwalhatian, Hindi Atin
Dalawang taon ng pagtitipon. Dalawang taon ng pagdarasal. Dalawang taon ng paglago bilang isang fellowship. Ang lahat ng ito, hindi para sa karangalan ng CCF Sirang Lupa Home Fellowship. Para ito sa Kanya. Sa Kanya ang kapurihan.
Pagtalaga: Pangako Para sa Ikatlong Taon
Panginoon, salamat sa dalawang taon ng biyaya na ipinakita Mo sa aming fellowship. Hindi kami karapat-dapat, pero ikaw ang gumawa ng lahat. Ipagpatuloy Mo kaming lumago — sa biyaya at sa pagkakilala Sa Iyo — hindi para sa aming karangalan, kundi para sa Iyong kaluwalhatian. 2-gether kami sa pananampalataya, lumalago kami sa biyaya, hanggang sa ikatlong taon at higit pa. Sa Pangalan ni Jesus, Amen.